Rambled Mind
because I'm nearly drowning in my overflowing thoughts.

ketchup, don't say goodbye

Siguro, alam na ng mga taong close ko at kilala ako na meron akong fetish [hala] or obsession sa ketchup. Actually, hindi ko naman sinabi sa kanila 'yun e, nagkataon lang nagawi 'yung paningin nila habang naglalagay ako ng sangkatutak na ketchup sa container o sa ibabaw ng tissue na binubudburan ng iodized salt. Tapos, isasawsaw ko 'yung fries ko 'run [shizz, sarap!] at lalagyan ang burger ko ng ketchup overdose. 'Pag hindi pa ako nakuntento, ilalagay ko ang fries sa ice cream at ii-scoop out ko yung fries + ice cream at idi-dip nang kaunti sa ketchup. So 'yan ang mga instances na napansin or na-confirm ng mga tao sa paligid ko kung gaano ko kamahal ang ketchup. Para naman dun sa mga close friends ko na kasama kong mag-overnight or friends na pinuntahan ko para kumain [napaka-user no?] at sa aking pamilya, mas lalong tumitibay ang kanilang paniniwala na ketchup lover ako 'pag nilalagyan ko ang mga may sabaw na ulam ng ketchup. [Sa totoo lang, hindi naman lahat ng may sabaw, pero partikular talaga ako sa SINIGANG. shizzz!!!]

So that's my intro. Haba no? Sa pagpapatuloy, hindi alam ng marami na may history ang aming pamilya ng hyperacidity. Siyempre alam kong alam mo na 'yun pero kung nakalimutan mo kung ano 'yun, basically, 'yung sikmura mo sasakit [minsan nga mamimilipit pa sa sakit] dahil a) marami kang nakain or b) maasim 'yung nakain mo. Hindi naman ako sobrang kumain ['pag gutom lang talaga] kaya 'yung option b) lang ang maaaring nasa likod noon.

So maasim 'di ba? Ishe-share ko lang na tomato ketchup ang iniinom ko [rich in lycopene]. JOKE. hindi naman inom, hahaha. Basta 'yun 'yung forever ko nang ginagamit so alam niyong isa 'to sa mga dahilan kung bakit ako may hyperacidity. Maniwala kayo o hindi, ako talaga ang #1 consumer ng ketchup sa bahay at talagang ang supply ng ketchup para sa isang buwan ay nauubos ko in less than half a month. Salamat na lang talaga, parents ang bumibili ng ketchup!

Ayan, so dahil na-brief ko na kayo sa lifestyle ko at sa health background, pwede na akong pumunta sa heart of the matter. Well, ganito lang naman e, hindi na ako pinayagang maglagay ng ketchup sa mga kakainin ko! Ano raw? Wala ng ketchup ngayon, bukas at magpakailanman!!!! [Palabas 'to 'di ba?] :p As in, pati nga saging tinanggal na sa pwedeng kainin. Kasi raw, contributor din daw 'yun sa hyperacidity ko. Swear, life's so mean! Hindi pa naman nakukumpleto meals ko kapag wala ang red substance na 'to tapos mawawala pa? :|

Ganito raw kasi 'yun sabi ni Mama. Dahil simula nung end of summer pa ako nagrereklamo sa paulit-ulit na hyperacidity surges ko, to the point na muntikan na akong dalhin sa hospital kasi namumutla na ako, namimilipit sa sakit at heartburn na 'yung nararamdaman ko, my mother decided to ask her friend doctor about the matter. And then, she was asked of the things I intake and of course, my mother never left the ketchup and banana out of the scene. The doctor inquired further of the frequency I took these stuff and well, you now knew that I literally made the ketchup a part of my life and my mom told her about this, and it was decided, "No ketchup for her. At least until the surges are gone."

Mahirap kaya. It's been practically with my every meal since I was a kid and to pull that stuff out of my system is just like asking a chain smoker to stop smoking. Duhhhh. Wala na ang tamis at asim na naroon parati habang ako ay kumakain, hindi na makukumpleto ang bawat pagkain ko. :(( Hindi naman sa iiyakan ko 'to, pero seryoso, hindi na magiging katulad ng dati ang eating experience ko kasi wala nang magpapasarap nang bawat pagkaing ngunguyain ko.

Hmmmmm. Sinabi ko kay Mama na pwede naman akong mag-Kremil S 'pag light surges ang mararamdaman ko. [Actually, mas matapang na gamot ang iniinom ko sa mas matindi, hindi na yata 'yung OTC e] Napagsabihan lang akong matigas ang ulo ko.

Hindi talaga kaya. Sabihin nang OA ako, edi OA. Babawasan ko na lang ang ilalagay ko sa mga ulam ko at fries atbp., pero hinding-hindi talaga matatanggal 'yung sa pagkain ko. Ever!!!

Seryoso talaga ako, tingnan mo, may sarili pa itong blogpost. ;P

p.s. 'pag nagra-rant ako nakakapag-Taglish ako, na kinaiinisan ko. Ipokrito ko no? But I have nothing against others who speak Taglish. Malay mo masaya pala sila 'run 'di ba?

Tama na, naliligaw na ng landas ang post na 'to. :P
0 comments:

About Me

My photo
Manila, NCR, Philippines
a Development Studies student struggling with conciseness (in writing!)

Twitter

Powered By Blogger

Blog Archive

Recent Posts

Recent Comments